Thursday, September 24, 2009

why crab mentality and not ant's mentality?

This is my first tagalog entry here at my blog. Sana pagkatapos mo'ng mabasa ang post kong ito ay mayroon kang matutuhan.

Tayong mga pilipino ay may tinatawag na crab mentality. Ito yung pag-uugali nating mga pilipino, halimbawa meron tayo'ng kapit-bahay na umuunlad ang pamumuhay na nagsimula sahirap. Sa unang banda may mg tao'ng natutuwa sa nangyayari sa tao'ng iyon, pero hindi pa rin natin maiwasan na may mga tao sa paligid na sa halip ay mahikayat na mapaganda rin ang kanilang pamumuhay ay inggit pa ang pina-iiral, ang gagawin pa nga nila ay gagawa ng chismis na makapapanira sa tao'ng ito. Gagawin nila iyon dahil sa pananaw nila parang wala'ng karapatan na umunlad ang bawat tao sa paligid nila.

Para nga tayo'ng mga "ALIMANGO" ang mga ito pag-inilagay mo sa isang lagayan at mayroon'g isang alimango ang umaakyat at pumipilit na lumabas at kapag ito ay nakita naman ng isang alimango ay hihilahin ito pababa. Ganyan tayo'ng mga pilipino sa halip na tulungan natin ang ating kapwa ang gagawin pa natin ay hihilahin ito pababa.

Eh ano naman ang "ANT'S MENTALITY"?. Ang ant's mentality is my own term! Para sa akin sa halip na ating ipa-iral ang crab mentality bakit hindi natin subukan ang ant's mentality. Para'ng sa mga langgam lang hindi ba ang mga langgam ay nagtutulungan upang maghanap ng pagkain at dalhin ito sa punso nila. ANT'S MENTALITY ito yung gusto ko'ng mangyari sa ating lipunan pati na sa ating bansa. Sa halip na tayo ay magsiraan bakit hindi na lang tayo magtulungan na para rin naman sa ating ika-uunlad.

oh ano crab mentality ba o ant's mentality?




No comments:

Post a Comment